Tuesday, October 6, 2015

Counter-Strike Never Stops

                Nagkayayaan kami ng mga kaklase ko na mag-laro sa computer shop.Hindi ko alam kung bakit.Siguro sawa na kami sa kapipindot sa mga smartphones namin.At dahil halos lahat sa amin ay marunong maglaro ng Counter-Strike,hindi na kami naglaro ng D.O.T.A.
 Masayang maglaro kasama sila.Minsan           maingay,nagkakapikunan,nagkakaasaran pero kahit ganoon masaya talaga.Habang tumatagal,unti-unti kaming dumadami na naglalaro  ng Counter-Strike,pero dito lang sa loob ng section.Ika nga "The more,the merrier".                                                                  Nagtuloy-tuloy na ang paglalaro namin,may magse-set ng oras kung kailan kami maglalaro.May ilang venue na kaming napupuntahan at napaglalaruan.Madalas kaming naglalaro sa "Kompyuteran sa Pitogo",ito na nga naging parang "opisina" namin.Dati,Php15/hr ang ibinabayad namin,pero dahil inaraw-araw namin ang pagpunta dito,naging Php12/hr ang bayad namin.Kapag maraming naglalaro sa unang venue namin,doon kami sa computer shop malapit sa gym.Kapag marami din naglalaro sa second "office namin",maghahanap na kami ng ibang computer shop,kahit malayo basta makapaglaro.

No comments:

Post a Comment